OFW Bank, sunod na itatayo sa abroad – DOLE Chief
Balak umano ng gobyerno na magtayo ng maraming branches ng OFWs Bank o OFWBank hindi lamang sa Pilipinas kundi maging abroad kung saan maraming overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi sa Bombo Radyo ni Labor Sec. Silvestre Bello III, partikular na target nilang pagtayuan sa Middle East, Hong Kong, Singapore at iba pang bansang may mataas na deployment ng OFWs.
Ayon kay Sec. Bello, ang OFBank na nasa ilalim ng Landbank ay magiging bangkong pag-aari umano ng mga OFWs at magbibigay ng pagkakataong mapalago ang kanilang mga pinaghihirapan sa abroad.
Dito ay maaari daw makapag-loan ang mga OFWs na may mababang interes at makapaglagak ng investment para kumita ang deposito.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE : YOUTUBE
0 Mga Komento