PANOORIN! Japan nanawagan sa Gobyerno ni Pres Duterte na tutulong sila sa mga biktima ng Bagyong Vinta at sa nangyaring sunog na Mall sa Davao…

ADVERTISEMENT

WATCH THE RELATED VIDEO BELOW :

BALITANG TOTOO — Handang magpadala ng ayuda ang gobyerno ng Japan sa mga biktima ng bagyong Vinta at sunog sa isang mall sa Davao City.


Sinabi ito ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang magpaabot siya ng pakikiramay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Japan stands with the Philippines in overcoming this time of difficulties. Japan is ready to provide assistance needed by your country including provision of emergency relief goods to the maximum extent possible and sincerely pray that the affected areas will recover as quickly as possible,” pahayag ni Abe.

Ikinalungkot ni Abe ang sinapit ng mga nasalanta ng bagyo gayundin ang mga naipit at namatay sa loob nang nasunog na New City Commercial Center mall.

“I am deeply saddened and worried to learn the news that many precious lives were lost and serious damages were brought, including collapsed houses, forcing many people to evacuate, in your home region of Mindanao and other parts of the Philippines due to the recent typhoon,” patuloy niya.

Umakyat na sa 240 katao ang nasawi sa pananalasa ni Vinta, habang 70,000 pamilya ang lumikas.

Nasa 37 katao naman ang nasunog sa NCC mall. Tumagal ng halos isang araw ang sunog bago naapula kung saan nakita ang bangkay ng mga biktima sa ikaapat na palapag ng gusali.

Pawang mga call center agents ng Research Now and Survey Sampling International ang nasawi.

Nagpaabot na rin ng tulong ang Japan para sa rehabilitasyon ng Marawi City na nasira matapos ang halos limang buwan bakbakan sa pagitan ng Maute terror group at militar.

ADVERTISEMENT

source : youtube, philstar


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento