Naghain na ng petisyon sa Korte Suprema ang Magnificent 7 ng Kamara para kuwestiyunin ang constitutionality ng one-year re-extension ng batas militar sa buong Mindanao, pati na rin ang suspensyon ng writ of habeas corpus.
Pinangunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang paghahain ng petisyon na ito sa Supreme Court.
Kanila ring hiniling sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction para pigilan ang pagpapatupad ng extension kasunod nang paghahain nila ng petisyon.
Respondents sa petisyon na ito ay sina Senate President Aquilino Pimentel III, Speaker Pantaleon D. Alvarez, Executive Secretary Salvador C. Medialdea, Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, Budget Secretary Benjamin E. Diokno at Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Iginiit ng Magnificent 7 na walang “actual” na rebelyon sa Mindanao para i-justify ang re-extension.
Nilimitahan din daw nina Pimentel at Alvarez ang deliberation at interpellation sa re-extension ng martial law sa Mindanao upang ito ay maaprubahan daw kaagad kahit walang basehan.
Hindi rin umano maituturing na constitutional basis para sa pagpapalawig ng batas militar ang idinahilan na threats of violence at terrorism hatid ng nasupil nang mga teroristang grupo sapagkat binura na ang “imminent danger” sa mga grounds para sa imposition ng batas militar sa ilalim ng 1987 Constitution.
Salungat din umano ang one-year re-extension sa maliwanag na layunin at mandato ng Konstitusyon na magkaroon lamang ng limitadong tagal ng martial law, pati na rin ang extension nito.
Ito ay dahil iniiwasan daw ng Saligang Batas na humantong sa “extensions in perpetuity” ang serye ng extension o re-extensions ng batas militar sa
Wala rin daw “factual anchorage” at may grave abuse of discretion sa hakbang na ito ng Kongreso.
Dagdag pa ng Magnificent 7, may kapangyarihan ang Pangulo bilang commander-in-chief para ipatawag ang mga sundalo para maiwasan ang lawlessness at remnants ng mga teroristang grupo kahit hindi na palawigin pa ang martial law at suspension ng writ of habeas corpus.
“Rebellion” or “invasion” is neither a state of mind or a state of fear. It must be actual, not contingent. It must be real, not contrived,” saad ni Lagman.
“Remnants” of vanquished terrorist groups do not have the capacity to launch a rebellion even as the government is molding them into apparent menacing ogres, instead of preempting them by ordinary military and police operations without the need for extending martial law,” dagdag pa nito.
source : facebook, news update
0 Mga Komento