Marami na tayong naririnig na hindi maganda ang trato sa mga kababayan natin sa Kuwait, na kung minsan pa nga tila itinatago pa satin ang hindi magandang karanasan nila.
Ngunit ang iba sa ating mga kababayan na kahit alam nilang may pangaib ang pagpunta nila doon, binabaliwala nila ito. Dahil ang kanilang rason kung bakit sila makikipagsapalaran ay para maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Ngunit sapat nga bang dahilan ito para iwan mo ang mga mahal mo sa buhay?
At dahil marami na nga naririnig na reklamo at humihingi ng tulong, hindi na nakapagpigil pa ang Pangulo.
Kaya naman nananawagan siya sa mga bansa ng Middle East na tratuhin naman ang mga Pilipinong nagtratrabaho doon nang may dignidad. Dahil kahit din naman tayo nirerespeo natin ang mga foreigners na dumadayo dito sa atin na nakikipagsapalaran din.
Bukod dito nagbigay din siya ng babala na kapag may mabiktima pang muli ng rape sa bansa ng Middle East at tutuluyan na niyang ipagbawal ang pagtatrabaho doon ng mga Pinoy.
“Can I ask you now to treat my countrymen as human beings with dignity? One more incident of a Filipina working being raped there, committing suicide, I’m going to stop. I’m going to ban. I’m sorry the Filipinos there, you can all go home,” sabi ni Duterte bago siya tumungo papuntang Egypt.
Aminado naman ang Pangulo na malaki ang naitutulong ng mga bansang ito sa mga Pinoy at sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas, ngunit hindi daw nito hahayaan na abusuhin nila ang mga Pilipino sa abroad.
“Let me be blunt about this because Kuwait has always been an ally. But please do something about it and for all the other countries in the Middle East,” pahayag ni Duterte.
“I do not want to fight with you, we need your help to improve our country. As a matter of fact, the incomes there of the Filipinos contribute a lot to the GDP of the country. Nakakatulong kayo, pero if it ends up with misery, rape and everything and my countrymen committing suicide, there’s always time. We are poor. We may need your help but we will not do it at the expense of the dignity of the Filipino.” Dagdag pa nito.
Sinabi din ng Pangulo na kapag hindi daw niya matuldukan ang problemang ito, wala na daw siyang dahilan pa para manatili sa kanyang pwesto.
“If I cannot do something about it, then there is no reason for me to stay in this position a minute longer,” sabi ni Duterte.
Marami ang humihiling na sana pakinggan ng mga namumuno ng mga bansang ito ang pakiusap sa kanila ng Pangulo. Maging patas sana sila sa mga Pinoy dahil parehas lang naman tayong nakikinabang.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE : YOUTUBE
0 Mga Komento