Droga sa Amerika, mas lalong lumala. Pres. Duterte naawa kay American Pres. Trump dahil nahihirapan umano itong sugpuin ang iligal na droga sa kanyang sariling bakuran
Kung malaki ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga ay mas malala ang sa Amerika. Sinabi ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na harap-harapan at parang tiangge ang bentahan at paggamit ng iligal na droga sa Amerika kaya naaawa aniya ito kay President Donald Trump na hirap malutas ang pagkalat nito.
“In Baltimore capital of, their capital of America. Harap-harapan parang tiangge talaga. Naawa ako sa Amerikano, pati kay Trump. Hindi nila mapigil. Harap-harapan ang transaksyon. Cocaine, marijuana, heroin. Kawawa. Kung meron kayong internet, doon sa documentary. ‘Yung Dope. Kawa — ako naawa ako sa Amerika. Hindi nila talaga kaya. Ayaw nilang pumatay eh. Doon, harap-harapan. Pasa-pasahan. ‘Pag parking, o bigay. P***** i** gawin mo ‘yan dito, ah sigurado. Buti pa maghanap ka na ng pre-need diyan sa…,”
Sinabi ng Presidente na hindi uubra sa bansa ang mga estilong ginagawa ng mga sindikato sa droga sa Amerika dahil hindi niya papayagang mangyari ito sa mga Filipino.
“You know, I said when I became mayor, when I ran, I said and I said it when I was President, do not destroy my country because I will kill you. ‘Yung hindi naniwala niyan, talaga — Eh wala akong magawa, sinabi ko nang… ‘do not destroy the young of the land because I will really kill you’. Period,”
Source : Boyse Cestina
0 Mga Komento