Mistulang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na sa simula pa lang ay duda na talaga siya na magiging matagumpay ang ‘Oplan Tokhang’ ng Duterte administration.
Ayon kay Lacson dapat ay lokal lang ang pagpapatupad ng war on drugs na ito ng administrasyong Duterte.
“Siguro maganda lang ‘yun sa local scene, say Davao City, pero on a nationwide scale, I don’t think it will succeed kasi nagi-infringe na talaga sa human rights ang illegal search.”
Paalala pa ng senador, noong panahon pa ng kampanya, siya din ang unang nagsabi na imposible matupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapangako niya na mawawakasan ng problema sa droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.
“Illegal drugs, like murder, robbery, kidnapping, they’re here to stay, ang magagawa mo lang is to greatly ma-minimize mo, but to completely eradicate hindi talaga mangyayari ‘yon, not under any president, not under any chief PNP, not under any NBI Director, dagdag ni Lacson.
0 Mga Komento