Ipinag-utos na ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang paghahanap kay Supt. Rafael Dumlao na siyang pinuno ng Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.
Si Dumlao ay isinailalim sa restrictive custody ng PNP makaraan siyang isangkot ng kanyang tauhan na si SPO3 Ricky Sta. Isabel sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Kagabi ay nagpumilit na lumabas ng Camp Crame si Dumlao kasama ang kanyang misis at hanggang ngayon ay hindi pa alam ng pamunuan ng PNP ang kanyang kinaroroonan.
Sinabi ni Dela Rosa na nasa panganib ang buhay ni Dumlao kaya gusto rin nila itong bigyan ng proteksyon.
Magugunitang si Dumlao ang itinuturong utak sa pagdukot kay Jee base sa naging testimonya ni Sta. Isabel.
Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Sta. Isabel na mayroon siyang voice recordings na magpapatunay na sangkot ang opisyal sa nasabing tokhang for ransom na kanya ring kinasasangkutan.
0 Mga Komento