Sa Loob ng 6 na Buwan PNP nakasabat ng P3.7 bilyon halaga ng droga

Umabot sa P3.7 bilyong halaga ng illegal na droga ang nasabat ng Philippine National Police mula nang ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa loob ng anim na buwan, umabot sa 95,000 sachets ng shabu at 113,000 sachets ng marijuana ang nakuha ng mga pulis sa magkakaibang operasyon sa buong bansa.

Ang National Capital Region Police Office ang may pinakamaraming shabu na nakuha sa 8,581, habang ang Police Regional Office 3 naman ang nakapagkumpiska ng 111,350 marijuana sachets.

Sinabi ng National Anti-Illegal Drug Monitoring Center na iba pa ang bilang at halaga ng mga ilegal na droga na nakuha ng Anti-Illegal Drugs Group at Criminal Investigation and Detection Group.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento