Umakyat na sa 350 ang firecracker-related injuries sa buong bansa, batay sa latest tally ng Department of Health o DOH, as of 6AM.
Sa isang press conference, inanunsyo ni Health Secretary Paulyn Ubial na 60{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} na mas mababa ang naturang bilang kung ikukumpara sa nairekord na 874 cases sa kaparehong panahong sinalubong ang 2016.
Mas mababa rin ito ang 5 year average o mula 2011 hanggang 2015.
Sa nasabing bilang, na mula sa limampung centinel sights ng DOH, 348 na mga kaso ay dahil sa paputok habang ang dalawa ay ingestion.
132 o karamihan sa mga biktima ay nadale ng piccolo, habang ang iba pang kaso ay dahil sa kwitis, lusis, fountain at iba pang uri ng paputok.
Mayorya rin o 203 sa hanay ng mga biktima ay mga bata.
Ayon kay Ubial, ang pinaka-batang may firecracker-related injury ay isang dalawang taong gulang at ang pinakamatandang biktima ay nasa edad pitumpu’t isang taong gulang.
Sinabi ng kalihim na 60{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} ng mga kaso ay naitala sa National Capital Region, kung saan pinakamarami sa lungsod ng Maynila, sinundan ng Quezon City at pangatlo sa Marikina.
Sa kabila ng mga firecracker-related injuries, walang pang nasasawi.
Gayunman, ikinalungkot ni Ubial ang kaso ng isang 15-anyos na dalaga na tinamaan ng ligaw na bala.
Kinilala ang biktima na si Emelyn Villanueva na nanunuod lamang ng fireworks display nang tamaan ng ligaw na bala sa Malabon.
0 Mga Komento