Duterte, aaraw-arawin ang bitay

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aaraw-arawin niya ang pagpataw ng death penalty, sa oras na makalusot na ito sa Kongreso at muling maibalik sa Pilipinas.

Ayon kay Duterte, lima hanggang anim ang ipasasalang niya sa parusang kamatayan kada araw.

Babala naman ni Duterte, kung ayaw ibalik ang death penalty, ibang hirit o hakbang na lamang daw ang kanyang ilulunsad.

Gayunman, hindi ito idinetalye ng punong ehekutibo na mula’t sapul ay ikinakampanya ang pagbuhay sa death penalty lalo na laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Bago mapwesto sa Malakanyang, sinabi ni Duterte na nais niyang mapatawan ng bitay ang mga kriminal sa pamamagitan ng hanging o pagbigti.

Sa susunod na taon, inaasahang aarangkada ang debate ukol sa death penalty bill sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento