Sa panukalang P3.35 Trillion National Budget para sa 2017, mapapaloob ang healthcare assistance para sa lahat ng Pilipino.
Ayon kay Senadora Loren Legarda, Chair ng Senate Committee on Finance, nakalaan ang karagdagang P3 Billion sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) upang masakop ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Batay aniya sa Department of Health (DOH), aabot sa walong milyong Pilipino ang hindi naaabot ng benepisyo ng PhilHealth.
Paliwanag nito, responisbilidad aniya nila na ipaabot ang healthcare protection para sa publiko kung kaya’t ipinaglaban na madagdagan ang ponding ilalaan para dito.
Bukod sa mga miyembro, sinabi ni Legarda na awtomatikong magiging miyembro ang mga hindi rehistrado kapag dumaan sa isang serbiyso sa pampublikong ospital.
Hindi rin aniya magbabayad ang mga kapos-palad na mamamayang sa lahat ng hospital ng gobyerno bunsod ng “No Balance Billing” sa ilalim ng Amended National Health Insurance Act 10606.
Maliban sa PhilHealth, magkakaroon rin ng kabuuang P96.336 Billion budget para sa konstruksyon ng karagdagang health facilities at drug rehabilitation centers ng DOH.
Samantala, aabot naman sa P8 Billion ang pondo ng Commission on Higher Education upang maipatupad ang libreng edukasyon sa lahat ng state colleges at universities sa bansa.
0 Mga Komento