Ouster plot vs Duterte, mahihirapang maisagawa ayon kay Dela Rosa

Ito ang naging tugon ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa kaugnay sa umano’y nilulutong ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsimulang kumalat ng naturang balita mula sa ilang text messages kung saan Liberal Party at Magdalo sa pamumuno nina Senator Antonio Trillanes at partylist Representative Gary Alejano ang bumubuo ng nasabing plano upang mapaupo ang kaalyadong si Vice President Leni Robredo bilang pangulo.

Nangako rin ang PNP chief sa mga umano’y namumuno sa planong pagpapatalsik kay Duterte na mahihirapan silang maisakatuparan ito.

Ayon pa kay Dela Rosa, nakatanggap siya ng impormasyon kaugnay sa mga nagkakasa nito at sabay na hinamon ng mga nasa likod ng planong kudeta.

Mamamatay muna aniya siya bago maisagawa ang plano laban sa pangulo.

Mariin namang itanggi nila Trillanes, Senator Leila De Lima at ibang opisyal ng LP ang nasabing akusasyon.

Kamakailan, magugunitang nagpatutsada si Duterte sa LP na ang naturang ouster plot ay bunsod ng kabiguang mapanatili ang kapangyarihan noong 2016 May elections.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento