Mariing pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatanggap siya ng dr*ug-money o narco-money.
Ito ay sa kabila ng akusasyon laban sa kanya na pinoprotektahan ang mga dr*ug lords matapos iutos kay PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang reinstatement ni Supt. Marvin Marcos bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Eastern Visayas.
Sa kanyang talumpati sa awarding ceremonies para sa Outstanding Young Men and Women of 2016 sa Malacañang, sinabi ni Duterte na mayroon siyang inaalam kung kaya’t inutusan niya si Dela Rosa na i-reinstate ni Marcos.
Giit ni Duterte, walang mali sa kanyang ginawa.
Mayroon lamang aniya siyang pinag-aaralan kung kaya niya ibinalik sa puwesto si Marcos. Sinabi pa ng pangulo na hindi dapat matakot ang sambayanan dahil hindi siya tumatanggap ng dr*ug money.
Nagbiro pa si Duterte na kung galing sa kanyang mga kasintahan ang pera, ay tatanggapin niya ito.
Kasabay nito, nagbanta pa ang pangulo na kung may mag-aabot sa kanya ng dr*ug money ay babarilin niya mismo ito sa kanyang harapan.
Bago pa aminin na siya ang nag-utos kay Dela Rosa, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang matanggal si Marcos dahil biniberipika pa niya ang koneksyon ng opisyal sa iligal na droga.
Una nang inakusahan ni Sen. Leila De Lima si Pangulong Duterte na isang top dr*ug lord sa bansa dahil sa pag-utos ng reinstatement ni Marcos.
0 Mga Komento