Kuryente ang balitang ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa umanoy pagdalo niya sa anti-Marcos rally.
Reaksyon ito ni Robredo sa pag-amin ng pangulo na kaya niya pinagbawalan ang pangalawang pangulo na dumalo sa mga cabinet meetings ay dahil sa pagsama nito sa isa sa mga pagkilos na nanawagan sa pagbibitiw ni Duterte.
Ayon sa pangalawang pangulo, kahit na very vocal siya sa pagkontra sa ilang isyu, sinadya niyang hindi sumali sa mga rally bilang konsiderasyon sa pangulo at dahil sa pagiging miyembro ng gabinete.
Kahit media aniya ay alam na bagaman inimbita siya sa dalawang anti-Marcos rally ay hindi niya ito pinuntahan.
Nakakalungkot aniya na mas pinaniwalaan ng pangulo ang balita na alam ng marami na hindi naman totoo.
Madali aniyang maberipika kung totoo ang nasabing impormasyon pero mas pinili ni Duterte na paniwalaan ang hindi totoong balita.
Sa ngayon, tapos na sa kanya ang nangyari at kahit wala na siya sa gabinete ay sinusubukan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para tumulong partikular sa mga biktima ng sakuna.
0 Mga Komento