Dayan, aminadong nagdeliver ng pera mula kay Kerwin Espinosa kay De Lima

Inamin ni Ronnie Dayan na tumanggap siya ng pera mula sa Eastern Visayas dr*ug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa kanyang pagharap sa Kamara, sinabi ni Dayan na hindi siya kailanman kumubra ng dr*ug money mula sa mga dr*ug lord, na humarap sa imbestigasyon ng Justice Panel ukol sa NBP dr*ug trade.

Itinanggi naman ni Dayan na gumamit o nagbenta siya ng droga.

Pero napaamin si Dayan na kilala niya si Espinosa, at tumanggap ng pera rito dahil sa utos umano ni dating Justice Sec. at ngayo’y Sen. Leila de Lima.

Hindi naman binanggit ni Dayan kung magkano ang kanyang natanggap kay Espinosa, dahil hindi raw niya ito binibilang.

Subalit sa pagkakatanda niya, limang beses siyang nakatanggap ng salapi mula kay Espinosa, para sa kandidatura ni De Lima sa pagka-senador.

Sasagutin na lamang daw niya ang iba pang taong sa pagdinig ng Kamara sa November 24.

Sa huli nang matanong kung ano mensahe niya kay De Lima, sinabi ni Dayan na ‘Pakatatag ka.’

Sa ngayon ay nasa loob pa rin Batasan Pambansa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento