Kerwin Espinosa, balik Pinas na sa Huwebes-PNP

Sa Huwebes, November 18, inaasahang babalik sa bansa si Kerwin Espinosa mula sa United Arab Emirates (UAE). Ayon kay Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, kung makakakuha ng clearance mula sa korte ang PNP,ididiretso si Kerwin sa headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.


Tiniyak din ni Dela Rosa na bibigyan ng mahigpit na seguridad ang nakababatang Espinosa, matapos na mapatay habang nasa kulungan ang ama niya na si lbuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Sinabi ni Dela Rosa na bumiyahe na patungong Abu Dhabi si PNP-Anti-Illegal Dr*ugs Group chief Sr. Supt. Albert Ferro, upang sunduin si Kerwin na kasalukuyang nasa kustodiya ng Abu Dhabi Police.

Tatalakayin din ng PNP sa Department of Justice ang usapin ng kostodiya kay Kerwin, dahil may nauna nang pahayag ang justice department na nais nilang mapunta sa kanila ang kustodiya kaky Kerwin.Ani Dela Rosa, hindi naman nila panghihimasukan ang naisin ni Kerwin na maisailalim siya sa Witness Protection Program. –


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento