Para sa ilang Kongresista, ang ‘excellent’ na grado sa Social Weather Station o SWS sa dr*ug-war ng administrasyon ay malinaw na indikasyon na mas nakararaming Pilipino ang naniniwalang kayang-kayang solusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problema sa droga sa bansa.
Ayon kay House Committee on Dangerous Dr*ugs Chairman Robert Ace Barbers, ang resulta ng SWS survey ay patunay na ang mga batikos sa kampanya ng pangulo sa ipinagbabawal na gamot ay ‘politically motivated’ lamang.
Kumbinsido si Barbers na nasa tamang landas ang gobyerno sa pagsugpo nito sa droga at ang kailangan lamang ay bigyan ng buong-suporta ang pangulo at hayaan siyang ipatupad ang kanyang istratehiya laban sa aniya’y ‘social nemesis’ na dr*ugs.
Para naman kay House Appropriations Chairman Karlo Nograles, ang excellent result sa dr*ug war ng administrasyon ay nagpapa-totoo na seryoso at sinsero ang presidente sa kanyang mga hakbang laban sa droga.
Bukod dito, nakikita umano ng mga tao ang aktwal na resulta ng war against dr*ugs ng pamahalaan gaya ng pagkawala ng mga durugista sa kalsada.
Higit sa lahat, sinabi ni Nograles na marami sa mga Pilipino ang naniniwala na ang mga pamamaraan ni Duterte ay epektibo.
Batay sa SWS survey, sa tatlong buwan ng Duterte administration ay “excellent” ang marka nito pagdating sa dr*ug-war, habang ‘very good’ sa iba pang national issues.
0 Mga Komento