Mga nagprotesta laban sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa LNMB Walang Napala

Halos alas dos na ng madaling araw natapos ang isinagawang kilos protesta sa People Power Monument sa Quezon City ng mga grupong tutol sa ginawang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Simulan ang programa na kahapon ng hapon na tumagal hanggang kaninang madaling araw.

Alas sais ng umaga kanina, hindi pa lubusang nabubuksan sa mga motorista ang lahat ng linya sa White Plains dahil hindi pa naiaalis doon ang ilang kagamitan sa isinagawang protesta.

Ang protesta ay nagmistulang konsyerto dahil sa dami ng banda at personalidad na tumugtog at nag-perform sa stage gaya nina Noel Cabangon, ang bandang Moonstar 88, Bayang Barrios at maraming iba pa.

Dumating din sa protesta si Senator Leila De Lima, ang nagbitiw na chairperson ng NHCO na si Maria Serena Diokno, dating Senador Wigberto Tañada, dating DSWD Sec. Dinky Soliman at aktor na si Ping Medina.

Pero sa kahuli-hulihan ay nga-nga parin sila at walang napala kundi pagod lang..


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento