Ilang bisita patuloy ang pagdating upang batiin sa ika-73rd kaarawan si Pres. Duterte

Kahit na bukas pa ang kaarawan ng Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsidatingan na ang mga bisita upang batiin ang pangulo sa kanyang ika-73rd taong birthday.

Una nang sinabi ng chief executive na walang magarbong handaan bukas sa kanyang birthday na nakasanayan na umano ng kanyang pamilya.

Masaya lamang umano siya na makapiling ang kanyang mga apo, lalo na ang bagong silang na si “Stonefish” na nadagdag sa kanilang pamilya.

Ang makasama umano ang kanyang pamilya ay pinakamahalagang regalo para sa kanya.

Dalangin lamang umano niya sa kanyang mahalagang araw ay ang mabigyan pa ng lakas upang makapagserbisyo sa bansa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento