Naungkat sa pagpapatuloy ng oral argument ngayong araw sa Korte Suprema ang tila pagpuntirya ng gobyerno kay Sen. Leila de Lima at mga kasong kinakaharap nito.
Sa pagtatanong ni Associate Justice Marvic Leonen, inusisa nito si Solicitor General Jose Calida hinggil sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay De Lima.
Lumalabas kasing sa 24 na pagkakataon ay mahigit 37 beses na naging sentro ng pag-atake ng chief executive ang senadora sa loob ng tatlong buwan noong 2016.
Inungkat din ng mahistrado kung ginagawa rin ang kaparehong hakbang laban sa iba pang personalidad na inaakusahan din ng kahalintulad na mga kaso ng mambabatas.
0 Mga Komento