OVP Pumalag sa Impeachment Issue kay Robredo

Kinondena ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang iresponsable at walang basehang banta ng impeachment ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, napaka-iresponsable ang naging pahayag na ito dahil sa kanilang pagkakaunawa ay walang basehan ang mga naturang banta o pananakot.

Aniya ang ginawa ni Robredo ay hindi layong ipahiya ang administrasyon kung hindi ipakita ang commitment ng bansa at para maipakita na kinikilala nito ang kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng umanoy paglabag sa karapatang pantao sa kampanya kontra ilegal na droga at na may gagawin tayo para maresolba ito.

Dagdag pa ni Hernandez na hindi tama na kapag may sinabi ang pangalawang pangulo at hindi nagustuhan ng administrasyon ay panghihimasukan nila ito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento