Hinimok ni Senator Leila De Lima ang publiko na pakinggan ang mga naging pag-amin nina retired SPO3 Arturo “Arthur” Lascañas at ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato kaugnay ng Davao Death Squad (DDS).
Sa isang sulat kamay na pahayag ni De Lima, kanyang sinabi na panahon na para pakinggan ng buong bansa at buksan ang kanilang mga matasa mga ibinunyag at mga ibubunyag pa ng mga ito bago pa mahuli ang lahat.
Nauna ng sinabi ni De Lima na “admissible” ang mga testimonya nila Matobato at Lascanas dahil base ito sa kanilang personal na nalalaman.
Bahagi ng isinulat ni De Lima din ang mga katagang “Stop the killings, stop the lies.. stop impunity!”
Parehong sinasabi ng dalawa na nagkaraoon ng DDS at si Pangulong Duterte na na noon ay akalde pa lang ng Davao City ang responsible sa pagpatay ng naturang grupo.
Kasalukyang naka-detain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si De Lima dahil sa mga kasong kinakaharap nito na mayn kaugnayan sa ilegal na droga.
0 Mga Komento