Hindi lamang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nakaambang masipa sa pagiging House Deputy Speaker ngayong 17th Congress dahil sa pagbotong ‘no’ sa Death Penalty bill.
Batay sa listahan, hindi bababa sa sampung kongresista ang maaalis sa kani-kanilang pinamumunang komite sa Mababang Kapulungan, dahil sa kanilang botong kontra sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Kabilang sa mga mambabatas na may committee chairmanship pero bumotong ‘no’ ay sina:
1. Act PL Rep. Antonio Tinio – House Committee on Public Informatiom
2. Bayan Muna PL Rep. Carlos Zarate – House Committee on Natural Resources
3. Gabriela PL Rep. Emmi De Jesus – House Committee on Poverty Alleviation
4. Batangas Rep. Vilma Santos-Recto– House Committee on Civil Service and Professional Regulation
5. Sorsogon Rep. Evelyn Escudero – House Committee on Basic Education
6. Batanes Rep. Henedina Abad – House Committee on Government Reorganization
7. Quezon City Rep. Kit Belmonte – House Committe on Land Use
8. Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-Ao – House Committee on People’s Participation
9. Buhay Rep. Michael Velarde Jr. – House Committee on Overseas Worker’s Affairs
10. Amin Rep. Sitti Djalia Hataman – House Committee on Muslim Affairs
11. Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato – member ng Commission On Appointments
Si Arroyo ay mula’t sapul na anti-death penalty kaya hindi na sorpresa ang kanyang no-vote sa House Bill 4727.
Sa botohan plenaryo para sa ikatlo at huling pagbasa kahapon, 217 ang yes, 54 ang no at 1 ang abstention, kaya lusot na ang kontrobersyal na panukala.
Matatandang nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na aalisin sa Deputy Speaker status at committee chairmanship ang mga kongresistang bobotong tutol sa Death Penalty bill.
At kahapon, kinumpirma ni Alvarez na mayroon na silang listahan ng mga posibleng pumalit sa mga kongresistang maaalis sa pwesto.
0 Mga Komento