Mga “Ninja Cops” Binigyang Babala ng Pangulong Duterte

Pagbulagta ng mga tinaguriang “ninja cops” ibinabala ni Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at ang media na huwag nang magulat kung isa isa nang bumubulagta sa lansangan ang mga “ninja cops” at iba pang uri ng criminal sa bansa.

Ayon sa pangulo, mayroon kasi siyang binuong isang squad sa Philippine National Police na magbabantay sa mga pulis na napatalsik sa puwesto partikular na yung mga nagre-recycle ng droga na tinaguriang ninja cops.

Sinabi pa ng pangulo na ang mga pulis na nasibak sa pwesto ang pinakamapanganib na kriminal sa bansa.
Pagbabanta pa ng pangulo, mamarkahan niya ang mga dating pulis at hindi paliligtasin sa batas.

Pagtitiyak pa ng pangulo, sila ang mga mauunang mamatay sa ilalim ng kanyang administrasyon at tiyak na mabibiyuda ang kani-kanilang mga asawa.

Huwag na aniyang subukan ng mga dating pulis na sirain at lokohin ang gobyerno dahil sila ang magiging special target.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento