Palasyo: ‘Bahala si Speaker Alvarez sa kanyang pagbabanta’

Dumistansya ang Malacañang sa mga pagbabanta at hakbangin ni Speaker Pantaleon Alvarez para lang maipasa ang Death Penalty Bill.

Una ng nagbanta si Alvarez na tatanggalan ng committee chairmanship ang mga kongresistang kokontra sa panukalang-batas.

Nagbanta rin si Alvarez sa mga mahistrado ng Korte Suprema na ipapa-impeach kung maglabas ng temporary restraining order sa bill.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hayaan na lamang si Alvarez sa ginagawa nitong proseso.

Bahala na rin aniya ito sa pagsasagawa ng follow-up sa banta at anumang naisin nitong gawin.

“Let’s let him do the process himself, okay. Let’s let him do follow up whatever he chooses to do so,” ani Abella.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento