“Mag-aral ka muna ng mabuti”.
Buwelta ito ng Malacanañang sa pahayag ni Vice President Leni Robbredo na may palit-ulo scheme na ginagawa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon sa illegal na droga.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa pagkakaalam niya sa palit-ulo scheme ay hinuhuli muna ang maliit na drug pusher para ituro ang mas malaking isda sa industriya ng illegal na droga.
Sa bersyon ni Robredo, hinuhuli umano ng mga pulis ang mga kaanak ng drug suspect kapag wala sa bahay ang puntirya ng warrant of arrest.
Sinabi pa ni Panelo, misled, misinformed at misguided si Robredo sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Wala rin daw sanang problema sa droga kung sinugpo ito ng mga kaalyado ng pangalawang pangulo sa nakalipas na administrasyon.
0 Mga Komento