VP Robredo, dinipensahan si Sen. de Lima

Ipinagtanggol ni Vice President Leni Robredo si Sen. Leila de Lima na kanyang kapartido laban sa kinakaharap nitong isyu na may kinalaman sa iligal na droga.

Ito ay matapos maghain ng kasong kriminal ang Department of Justice laban kay De Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng DOJ.

Ayon kay Robredo, tila isinasantabi ang rule of law dahil lumalabas na political persecution ang ginagawa ng gobyerno laban sa senadora.

Sinabi pa ng bise presidente na ang paghahain ng kaso laban kay De Lima ay magdudulot ng ‘chilling effect’ sa mga taong hindi sang-ayon sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakali aniya na mapatunayan na totoo at tama ang mga akusasyon na ibinabato kay De Lima, dapat aniya na dumaan ito sa tamang proseso.

Bukod kay Robredo, ipinagtanggol din ng ilang Liberal Party senators si De Lima kabilang na sina Senators Bam Aquino, Franklin Drilon at Kiko Pangilinan.

Ayon sa kanila, ilegal ang gagawing pang-aaresto kay De Lima.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento