Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army sa Sarangani, Compostela Valley at Davao Oriental ngayong araw.
Sugatan ang isang sundalo mula sa pakikibakbakan ng 73rd Infantry battalion sa Alabel, Saranggani.
Ayon kay Capt. Rhyan Batchar, tagapagsalita ng 10th Infantry Division, nagsimula ito nang 10:30 ng umaga at nagtagal nang dalawang oras ang bakbakan.
Dagdag ni Batchar, nakaharap naman ng mga sundalo ng 60th Infantry Battalion ang ilang miyembro ng NPA sa Laak, Compostela Valley dakong 10:40 ng umaga kung saan ay tumagal rin ng ilang oras ang naganap na barilan.
Samantala, nakasagupa rin ng mga sundalo ang mga komunistang rebelde nang tambangan nito tatlong trak ng militar dakong 2:45 ng hapon.
Wala namang naitalang casualty maliban na lamang sa isang sundalong sugatan sa bakbakan sa Saranggani.
Ganyang ba ang gusto ng kapayapaan!
Nagsasagawa na ng clearing operations ang militar sa mga nabanggit na lugar.
0 Mga Komento