BIR, pinalawig ang imbestigasyon sa mga kaso ng pekeng tax stamps

Palalawigin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon sa lumalaganap na paggamit ng pekeng selyo sa sigarilyo sa iba pang kumpanya ng tabako.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Jesus Clint O. Aranas na nagsumite na ng signature letters of authority ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay laban sa ilang kumpanya.

Maliban sa Bulacan-based na Mighty Corporations, naglabas na rin ng letters of authority sa apat pang kumpanya; La Campana Fabrica de Tobacos Inc., Mighty International, Tobacco Industries of the Philippines Inc. at Wongchuking Holdings Inc.

Sa panayam ng ating reporter noong nakaraang linggo, sinabi naman ni Dulay sa inilabas ang mga naturang dokumento matapos makatanggap ng ulat sa umano’y pagbebenta ng mga sigarilyo kalakip ang pekeng tax stamps sa merkado lalo na sa mga probinsya.

Bwelta ni Aranas, layon ng imbestigasyon na hikayatin ang lahat ng kumpanya na maging tapat sa pagsunod sa naturang batas.

Dagdag pa nito, mayroon nang inisyal na ulat kaugnay dito ngunit itinanggi naman nitong ibahagi ang resulta.

Hindi aniya hahayaang magpabulag ng ahensiya sa sampung bilyong pisong kita na nawawala sa pamahalaan taun-taon lalo pa’t kailangan aniya ng gobyerno ang dagdag na kita para pondohan ang planong dagdag na imprastraktura sa bansa.

Samantala, nagsimulang iimplementa ng ahensiya ang Internal Revenue Stamps Integrated System sa mga produktong tabako noong 2014.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento