Paiimbestigahan sa Senado ni Sen. JV Ejercito ang mga telecommunications companies dahil sa napakaraming reklamo ng mga subscribers.
Sinabi ni Ejercito na walang pagababago sa kalidad ng serbisyo ng mga telcos sa kabila nang pagdami ng mga konsyumer.
Iginiit nito ang madalas na reklamo gaya ng wala o mahinang signal, pagkawala ng load at mabagal na internet connections.
Aniya dapat naman nasusulit ang bawat piso na ibinabayad ng mga subscribers.
Dagdag pa ni Ejercito dapat din silipin ang kakulangan ng kompetisyon sa hanay ng mga telecom companies.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Ejercito na bubuksan niya ang bansa para sa mga international companies kapag hindi pinagbuti ng mga local telco sang kanilang serbisyo.
0 Mga Komento