Pagbabalik ng ROTC, OK na kay Pangulong Duterte

Sinang-ayunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) program.

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Manny Piñol na inaprubahan na ng pangulo ang ROTC na kukunin ng mga estudyanteng nasa Grade 11 and 12 sa lahat ng public at private schools sa bansa.

Isisertipika na aniya ito bilang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte at isusumite sa Kongreso.

Layon aniya ng ROTC na maibalik ang patriotism, pagmamahal sa bansa, moral and spiritual values, respect for human rights and adherence to the Constitution sa mga kabataan.

Matatandaang itinigil ang ROTC noong 2001 matapos mabalot ng kontrobersiya gaya ng hazing ang naturang kurso.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento