Umaabot na sa 521 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan simula ng ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa hanay ng komunistang grupo noong Pebrero 4 ng taong ito hanggang sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ng militar kahapon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo patunay lamang ito na napagtatanto na ng mga rebelde na mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban at nais na ng mga itong magbagumbuhay lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan para makapiling ang kanilang mga pamilya.
Sinabi ni Arevalo na kabilang sa mga nagsisuko ay 18 NPA members na nagsurender din ng kanilang mga armas. Isa sa mga sumukong rebelde ay si Joel Embos alyas “Ka Jojo” na tatlong armas ang isinuko sa 36th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa Surigao del Sur noong Nobyembre 3.
Samantalang , 8 namang kasapi ng Guerilla Front (GF) 73 ang sumuko bitbit ang kanilang mga armas sa Army’s 33rd IB sa Sultan Kudarat noong Undas .
Isa rin sa mga sumurender ay ang 16-anyos na si KerKer Saling Bangon alyas “Tarzan” na boluntaryong nagbalik-loob sa Army’s 27th IB sa T’boli, South Cotabato. Isinuko rin nito ang isang 9 MM Thomgram machine pistol.
Samantalang simula rin nang ipatigil ng Pangulong Duterte ang peace negotiations sa CPP-NDF-NPA ay nasa 736 NPA ang na-neutralisa ng tropang gobyerno kabilang dito ang 521 sumuko, 121 ang napatay sa combat operations at 94 naman ang naaresto.
Sa kabilang daku naman,
Umabot sa naman 173 na New People’s Army (NPA) terrorist ang sumuko sa tropa ng pamahalaan at ipinresenta ng 1001st Brigade Philippine Army sa Maco, Compostela Valley Province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Col. Irwin Bernard Neri, commander sa 1001st Infantry Brigade, 64 na armas kabilang na ang mga high powered at home made, gayundin ang mga improvised explosive devices, ang sinuko ng mga NPA sa pamamagitan ng community support program.
“…64 firearms, high powered and locally made at saka improvised explosive device. Ito po ay kanila isinuko thru our community support program,” ani Col. Neri.
Dagdag pa nito na marami pang NPA ang gustong sumuko, dala ang kanilang mga armas.
Kaagad namang ipoproseso ang mga dokumento ng NPA surrenderees upang makapagsimula na ng mapayapang pamumuhay matapos ang maraming taong pakikipagsagupa sa tropa ng gobyerno.
SOURCE : NEWS UPDATE
0 Mga Komento