Mahabang panahon ng Martial Law extension para sa mga terrorist at NPA – Pres. Duterte
Personal na pinasalamatan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso sa pag-apruba sa kanyang kahilingang palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao.
Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagsaksi sa ceremonial demilitarization ng ilang armas na narekober mula sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Sinabi ni Pangulong Duterte, nagpapasalamat siya sa mga mambabatas dahil nauunawaan nila ang pinagdaraanan ng mga Pilipino.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahihirapan talaga siyang labanan ang mga terorista sa Mindanao kung walang Martial Law dahil hindi sapat ang hawak nitong kapangyarihan bilang pangulo.
Inihayag ni Pangulong Duterte na kabilang ang mga New People’s Army (NPA) na target ng Martial Law sa Mindanao at mahabang panahon na ang isang taong pag-iral pa nito sa rehiyon.
Iniutos din nito sa militar na gamitin ang mga attack helicopters sa NPA kapag namataan at inaasahan nitong sa loob ng isang taong bakbakan mauubusan ng bala ang mga rebelde na tinatawag na nitong terorista.
“May prepared speech ako but I want to add more. And I would like to thank Congress for understanding the plight of the Filipino. Tayo, me, personally, eh Presidente ako well I will just order but the problem is kung sapat ba ‘yung dimensions ng hinahawakan kong poder. Not power but the duty. Alam mo mahirapan talaga ako ‘pag walang martial law sa Mindanao. I will make it public and maybe telegraph also to the other side. Alam mo itong mga komunista, the terror group now called the communists, ito ‘yung walang hinto na laban. And they have been fighting government for almost 50 years and I hope we will not have to go into another 50 years. I do not want to kill my brother and sisters who are Filipinos. Kung gusto mo talaga ng away, I would have preferred a foreign country, hindi Pilipino,” ani Pangulong Duterte.
SOURCE : news update
0 Mga Komento