Ngayong araw ng Huwebes, January 12 ang nakatakdang pagdating ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Pilipinas para sa isang official visit.
Si Abe ang kauna-unahang pinuno ng bansa na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Makakasama ni Abe ang kaniyang misis na si Akie Abe sa nasabing pagbisita na tatagal mula January 12 hanggang 13.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Abe rin ang pinakamataas na opisyal na bibisita sa Davao, kung saan rin unang tinanggap ni Duterte si Japanese Foreign Minister Fumio Kishida.
Nakatakdang pag-usapan ng dalawa ang mga isyu tungkol sa counter terrorism cooperation, drug rehabilitation projects, infrastructure development, maritime cooperation at development projects.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, humiling si Abe na mabisita ang tahanan ni Pangulong Duterte sa Davao sa kasagsagan ng kaniyang sandaling pamamalagi dito sa bansa.
Darating mamaya sa Maynila si Abe at maghahapunan sa Malacañang bago lumipad patungo sa Davao City bukas.
0 Mga Komento