‘Constitutional duty’ ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng martial law sa bansa.
Paglilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ginawa lamang ng pangulo ang pahayag na magdeklara ng martial law kapag lumala ang sitwasyon sa Pilipinas lalo na ang problema sa illegal na droga.
Sinabi pa ni Panelo na walang dapat na ipangamba ang publiko sakaling magdeklara ng martial law ang pangulo dahil malayo ang personalidad nito kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na una nang nagpatupad ng batas militar.
Ayon kay Panelo, hindi kinukunsinti ng pangulo ang anumang uri ng pang aabuso sa mga kapwa Pilipino.
0 Mga Komento