Magbubukas ang nasa 12 milyong bagong trabaho sa loob ng susunod na mga taon hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III ay dahil sa “golden age of infrastructure” na inaasahan ring magiging “golden age of jobs, jobs and jobs.”
Aniya, plano ng pamahalaan na gumastos ng P8.4 trilyon para sa mga infrastructure projects, na magtataas sa gross domestic product (GDP) ng bansa mula sa 5.4 percent ngayong taon, hanggang 7.4 percent pagdating ng 2022.
Dagdag pa ni Bello, inaasahang hindi lang ang problema ng unemployment ang mareresolbahan nito, kundi pati na rin ang layunin ng pangulo na mapauwi ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Naniniwala rin si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na mas maganda kung mapapauwi ang mga OFWs dahil marami sa kanila ang may technical skills.
Nitong Enero lamang, naitala ang unemployment rate sa 6.6 percent na katumbas ng 2.76 milyong Pilipinong walang trabaho, na mas mataas sa 2.46 milyong naitala noong Enero 2016.
0 Mga Komento