Nasa bingit na ng paghahain ng “work stoppage” ang DMCI group dahil sa suspensyon na ipinataw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang mga nickel mining sites sa Palawan at Zambales.
Dahil kasi dito, napilitan silang bawasan ang kanilang workforce ng 62 percent, kaya mula sa dating 550, ibinaba nila sa 207 ang kanilang manpower.
Ito ay bukod pa sa libu-libong seasonal workers na tinanggap noong kasagsagan ng malakas na produksyon ng kanilang minahan.
Nakatanggap ang subsidiary nito na Berong Nickel Corp. (BNC) ng suspension order mula sa DENR noong June dahil sa umano’y discoloration ng ilog ng Barangay Berong.
Sunod namang nasuspinde ang Zambales Diversified Metals Corp. dahil sa mga “social issues.”
Ayon kay DMCI mining president Cesar Simbulan Jr., wala na silang magawa kundi pakawalan ang karamihan sa kanilang mga empleyado.
Ginagawa naman aniya nila ang lahat para mag-iwan ng maraming tauhan sa pamamagitan ng paglagak sa kanila sa rehabilitation sites, ngunit sadyang hindi ito gaanong matrabaho kumpara sa miusmong minahan.
Sinabi ni Simbulan na iniisip na nilang maghain ng work stoppage sa Department of Labor and Employment (DOLE), pero sa ngayon ay hindi pa nila ito ginagawa sa pag-asang maiaalis na ang suspension order sa kanilang mga minahan.
Oras kasi na maghain ng works stoppage ang kumpanya, obligado silang pa-swelduhin ang mga trabahador na para bang pumapasok talaga sila.
Ginagamit ito na pangkaraniwang labor-saving device ng mga kumpanya na nakararanas ng mga problemadong sitwasyon.
0 Mga Komento