Pinagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ay matapos ang insidente ng pagpapakamatay ni ERC Director for Planning and Information Service Francisco Villa Jr.
Sa kaniyang iniwang suicide notes, nakasaad ang pagpilit sa kanya ng isang Luis Morelos na lagdaan ang mga kontrata mula sa bids and awards committee na pinili ni ERC Chairman Jose Vicente Salazar sa isang kwestyonableng selection process.
Sa press conference sa Lima, Peru, sinabi ni Duterte na “binaboy” ng mga opisyal ang komisyon.
Ayon kay Duterte, sasampahan din ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa diumano’y katiwalian sa ahensya. Gayunman, hindi pa pinangalanan ng pangulo ang mga ito.
Maliban dito, pinapipili rin ng pangulo ang kamara na pigilan ang pondo ng ERC o buwagin ang ERC at bumuo ng panibagong ahensya.
Matatandaan ipinag-utos din ni Duterte ang imbestigasyon sa pagpapakamatay ni Villa, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.
Gayunman, hindi pa tiyak kung aling law enforcement agency ang magsasagawa nito
0 Mga Komento