Karapatan nina Dayan at Espinosa dapat igalang ayon kay De Lima

“Huwag na ninyo silang pahirapan pa, mga kriminal man sila o hindi”.

Ito ang panawagan ni Sen. Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkakaaresto sa dati niyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan.

Nais din ni De Lima na tratuhin ng tama si Dayan maging si Kerwin Espinosa at iba pang testigo laban sa kanya.

Umapila din ang senadora na huwag ng gawing drama ang paninira sa kanya sabay hamon na kasuhan na lang siya at haharapin niya ang mga ito sa korte.

Binanggit pa ni De Lima na inuungkat ang inamin na niyang naging relasyon nila ni Dayan para papaniwalain ang publiko na naging bagman niya ito sa mga dr*ug lords.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento