Aabot sa limang libong pangalan ng government officials ang nilalaman ng “validated” na listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng umano’y dr*ug personalities sa bansa.
Pahayag ni Duterte, bibigyan niya ng kopya sari-sariling kopya ng narco list ang Senate Presidente at Speaker of the House.
Kahapon inanunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa San Beda College of Law alumni homecoming na posible na niyang isumite sa National Security Council at sa legislative branch ang kanyang final narco list bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Una nang humiling ang pangulo sa mga mambabatas na tulungan siya sa lutas sa problema ng bansa sa iligal na droga.
Ayon naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, nakita niya ang folder ng nasabing narco list at sa kanyang pagtataya ay aabot sa limang libo hanggang sampung libong government officials ang nasa listahan.
Pawang mga barangay officials, mayors, governors, miyembro ng judiciary at prosecutors ang kabilang sa nasabing listahan.
Sinabi rin ni Panelo na posibleng ang susunod na hakbang ng pangulo matapos maisumite ang listahan ay ang pagsuspinde sa privilege ng writ of habeas corpus.
Una nang inanunsiyo ni Duterte na mapipilitan siyang suspindehin ang writ of habeas corpus sakaling magpatuloy pa ang lawlessness sa Mindanao.
0 Mga Komento