Dahil sa simula pa lang ay hindi na niya kinikilala ang pagdinig sa Kamara, walang pakialam si Senador Leila de Lima sa ipapalabas na ‘show cause order’ o arrest warrant sa kanya.
Katuwiran ni De Lima, ang tanging pakay o motibo ng pagdinig ay ang hiyain siya.
Pagmamatigas nito, bahala na ang kanyang legal team kung paano haharapin ang anuman magiging hakbang ng kamara laban sa kanya.
Giit nito kailangan niyang panindigan ang kanyang paninindigan na hindi pagkilala sa pagdinig.
Kasabay nito binalikan niya ang mga mambabatas na nagsasabing hindi pagrespeto sa kanila.
Aniya, kung kawalan ng respeto ang isyu, dapat tumingin ang mga kongresista sa kanilang sarili dahil ang mga ito ang hindi rumespeto sa kanya.
Dagdag pa nito hindi rin dapat na ‘obstruction of justice’ ang ireklamo sa kanya kung hindi ‘obstruction of persecution.’
0 Mga Komento