Ipinagyabang ng mga lider ng Simbahang Katoliko na mananatiling matatag ang simbahan sa kabila ng mga kaliwa’t kanang batiko sa kanila.
Pinakahuli dito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babagsak na sa loob ng tatlumpung taon ang Catholic church dahil sa kalokohan ng ilang mga pari at obispo nito.
Sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) EpiscopalCommission on Mission Chairman at Sorsogon Bishop Arturo Bastes na hindi dapat seryosohin ang mga pahayag laban sa kanila ng pangulo.
Para naman kay Manila Auxillary Bishop Bhoderick Pabillo, non-sense na maituturing at hindi pinag-isipan ang mga banat sa kanila ni Duterte.
Sinabi naman ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na sa loob ng 2,000 taon ay marami na ang nagtangkang pabagsakin ang simbahan pero lahat sila ay nabigo.
Magugunitang sinabi ng pangulo na maraming mga lider ng Simbahang Katoliko ang tulad niya na maraming babae at ang ilan sa kanila ay nangungupit pa sa pondo ng kanilang simbahan.
0 Mga Komento