Recount! – Leni

Upang malinis na ang kaniyang pangalan, nais nang mag-recount ni Bise Presidente Leni Robredo ng mga boto nitong eleksyon 2016 para mapatunayan na siya ang tunay na nanalo.

Sinabi ni Robredo na habang tumatagal ay lalong naniniwala ang mga taga-suporta ni Marcos dinaya niya ang kaniyang pagkakapanalo.

“Mali iyon na sinasabing ayaw magpa-recount. Sa aking interes, mas makakabuting mangyari ang recount. Kasi hanggang hindi pa iyan nangyayari, binibigyan ko lang ng pagkakataon yung mga supporter ni Marcos na sabihin na siya ang tunay na vice president,” wika ni Robredo sa dzMM ngayong Martes.

“Mali yata sa logic na ako pa iyong ayaw na mangyari yung recount. Kasi lalo ito natatagalan lalong may shroud of legitimacy yung aking mandato,” dagdag niya.

Pero bago mangyari ito ay hinahanapan ni Robredo si Marcos ng mga ebidensya sa kaniyang mga paratang na dinaya niya ang kaniyang pagkapanalo na may lamang na nasa 200,000 mga boto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
“Ang kanyang pinoprotesta ay 662 municipalities. Pero ang 662 municipalities, naglagay siya ng sinasabi niyang mga afffidavits, yung affidavits ang kino-cover lang 57 doon sa 662. So iyong ang tinatanong natin, nasaan ang affidavits para doon sa the rest of the 662. Bakit yung meron ka lang affidavits doon sa 57?” wika ni Robredo sa dzMM.

“Kung sasaklapin mo ang 662, dapat mayroon kang ebidensya para doon sa 662. Hindi natin, hindi natin pinapa-delay ang recount. Ang tinatanong lang natin nasaan yung iba mong ebidensya?” dagdag niya.

Bukod sa kulang-kulang na ebidesnya ay sinabi ni Robredo na nakakitaan pa nila ito ng mga butas.

Sinabi rin ni Robredo na kumpiyansa siya sa kaniyang pagkapanalo at iginiit na wala siyang kakayahang mandaya.

Inamin din ng bise presidente na kung ang labanan ay propaganda ay talo siya.

“Ako sigurado ako sa aking panalo. Pero talagang talo tayo sa propaganda, iyong bawat galaw o kahit wala pang galaw mayroon na talaga silang kuwento,” sabi ni Robredo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento