Duterte at Hari ng Saudi Arabia nagpasalamat sa isa’t isa kaugnay sa mga OFWs

Duterte nagpasalamat sa hari ng Saudi dahil sa pagbibigay ng trabaho sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Personal na pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Haring Salman Bin Abdulaziz Al Saud dahil sa pagtanggap ng mga overseas filipino workers sa Saudi Arabia.

Ginawa ng pangulo ang pasasalamat nang makaharap niya ang Hari ng Saudi kagabi sa kanyang private residence.

Kaugnay nito, labis naman daw ang pasasalamat ni King Salman sa pagpapadala ng mga propesyunal at skilled workers para magtrabaho sa Saudi Arabia.

Sinabi ng naturang Arab leader na malaki ang kontribusyon ng mga Filipibo workers sa kanilang pag-unlad.

At sa pambihirang pagkakataon, personal na ipinasyal ni King Salman si Pangulong Duterte sa kanyang bahay.

Bilang bahagi ng tradisyon, sinilbihan ng Arabic coffee ang delegasyon ng pangulo bago sila inakay para ipakilala sa Royal Family at mga cabinet officials o Ministers ng Saudi.

Aabot sa 760,000 ang bilang ng mga Filipino sa Saudi Arabia ayon sa record ng Department of foreign Affairs (DFA).


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento