Idinadawit ngayon ng palasyo ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo sa impeachment complaint na inihain ni Congressman Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kung hindi man personal intent ni Robredo, nagpapagamit na ito sa kanyang mga kaalyado bilang political animal.
Matatandaang nagpalabas ng video message si Robredo sa United Nations kung saan binabatikos nito ang anti drug campaign ng administrasyon.
Sinabi pa ni Abella na nasa “pathetic state of affairs” na ngayon si Robredo.
Dagdag pa ni Abella, na nakapagtataka kung nagkataon lamang na halos magkakasabay ang impeachment at ang video message ni Robredo.
0 Mga Komento