Duterte kay Trillanes: ‘Dalawang Taon ka Nalang Dyan’

Ito ang tahasang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Antonio Trillanes IV na nagsiwalat na mayroon ito umanong higit dalawang bilyong piso na itinatago sa bangko.

Sa isang recorded statement na inilabas ng Malacañang kagabi, sinabi ng pangulo na handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapatutunayan ni Trillanes ang kanyang akusasayon.

Giit ng Pangulo, may iniwang pamana sa kanila ang kanyang ama na si dating Davao governor Vicente Duterte.

Ang kanyang common law wife naman aniya na si Honeylet Avanceña ay isang negosyante at nagsusuplay ng karne ng baboy sa limang mall sa Davao City.

May doughnut business rin aniya ito may labingwalong taon na ang nakalilipas.

Bukod dito, ang kanyang anak naman aniyang si Davao City mayor Sarah Duterte ay isang abugada.

Tinawag pang tulisan ni Pangulong Duterte si Senador Trillanes.

Batid rin aniya sa Senado na ginagamit ng mambabatas ang kanyang tanggapan upang humingi ng ‘retainer’ at nagsisilbi na itong negosyo ng senador.

Wala na rin aniyang political career ang senador dahil dalawang taon na lamang at matatapos na ang termino nito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento