Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim ng Russian Federation Security Council na si Nikolay Patrushev sa Presidential Guest House sa Panacan Davao City kagabi.
Kasama sa pagpupulong ang ilang opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, nagkaroon sila ng bilateral talks ni Patrushev kung saan napag-usapan ang tungkol sa government to government cooperations ng Pilipinas at Russia.
Partikular na tinalakay ang larangan ng security and intelligence, defense and military cooperation, law enforcement, terrorism and transnational crimes, anti-illegal drugs work plan at maritime law enforcement cooperation.
Inaasahang bibisita ang pangulo sa Russia ngayong taon matapos imbitiahan ni Russian President Vladimir Putin noong magkita sila sa APEC Summit sa Peru.
0 Mga Komento