Hukom na hahawak sa kaso ni De Lima inirekomendang bigyan ng bodyguards

Iginiit ni Kabayan PL Rep. Harry Roque kay Muntinlupa Rtc Judge Patricia Manalastas-De Leon na agad maglabas ng warrant of arrest laban kay Senador Leila De Lima.

Paliwanag ni Roque, malinaw na ang probable cause sa kaso laban kay De Lima sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice at maging sa naging pagsisiyasat ng Kamara ukol sa ilegal na operasyon ng droga sa Bilibid.

Ani Roque, bagama’t nararapat pa ring i-establish ng korte ang probable cause ay mababa raw ang threshold dito kaya madali ang basehan para sa pagpapalabas ng mandamyento-de-aresto.

Apela ni Roque, dapat huwag magpa-impluwensiya ang hukom sa sinumang nasa posisyon sa pamahalaan.

Kasabay nito, inirekumenda ng kongresista sa gobyerno na bigyan ng security si Judge Manalastas-De Leon.

Katwiran ni Roque, ito ang kauna-unahang kaso ng narcopolitics na lilitisin sa bansa kaya malaki ang posibilidad na i-harass si Judge Manalastas-De Leon.

Hindi rin umano malayong kumilos ang mga tinaguriang Bilibid drug lords para madiskaril ang kasong ito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento