Mistulang dinedma ng ilang kongresistang kaalyado ni Senadora Leila de Lima ang panawagan nito na ideklarang ‘incapacitated’ na si Pangulong Rodrigo Duterte para mapaalis ito sa posisyon.
Paliwanag ni Albay Rep. Edcel lagman, hindi madaling gawin ang nais na ni de Lima.
Aniya, mayroong constitutional process na dapat sundin para sa pagdedeklara sa isang presidente na hindi na kayang tumupad sa official functions.
Hindi rin kinatigan ng Magnificent 7 ang panawagan ni de lima sa publiko na maglunsad ng panibagong People Power laban kay Duterte.
Katwiran ni Lagman, mabigat ang challenge para maisakatuparan ang pag-aalsa laban sa administrasyon dahil sa ngayon ay mistulang tanggap ng publiko ang mga polisiya at pasya ng pangulo.
Subalit para kay Akbayan PL Rep. Tom Villarin, ngayon ang tamang panahon para magkaroon ng international intervention sa Pilipinas.
Ani Villarin, na-desensitized na ang mga Pilipino sa mga nangyaring patayan kaya kailangan na ng saklolo ng international community.
0 Mga Komento