UMUUSOK ngayon ang social media sa iba’t ibang expose’s sa pagitan ng mga dilawan at pro-Duterte.
Ang una’y galing sa community page na “wearecollective” at ikalawa naman ay “silentnomore”.
Lahat ng ito’y lu-mabas noong Huwebes, ilang araw bago ang gagawing pagharap sa Senado ni retired SPO3 Arturo Lascañas nga-yong Lunes.
Ayon sa Nagaleaks, ang yumaong si Jessie Robredo ay konektado sa jueteng at ito raw ang may-ari ng Landbergh place sa kanto ng Roces at Tomas Morato,Quezon City.
Meron pa raw part 2 ang Nagaleaks na ito na sesentro naman mismo kaya Vice President Leni Robredo. Iikot daw ang istorya matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa.
Pero binalewala ito ni VP at sinabing marami nang paninira ang lu-mabas sa kanila noon pa man. At kahit anong pag-atake, hindi anya tatahimik ang oposis-yon.
Doon naman sa Davao Leaks, nabandera ang 2-story building na nagkakahalaga ng P150 milyon, ang mamahaling mga basurahan daw ng Davao city, ang 11,000 contractuals na umano’y ghost employees. Pero ang pinakamatinding Davao Leak daw ay ang pagharap ni SPO3 Lascañas sa Senado ngayong Lunes kung saan diretso niyang tutukuyin si Pre-sidente Duterte na pumatay ng mga tao mula noong 1980’s hanggang 1990’s.
Magugunita na bago ang pagharap ni Lascañas, nagkaroon ng balasahan sa Senado kung saan ang mga kaanib sa Liberal party ay naging minorya. Anim sila sa grupo. Nawalan sila ng mga chairmanships sa mga komite.
Marami ang nagtatanong sa gagawing pagtestigo ni Lascañas ngayong araw. Una, paano ang “validity ng una niyang panunumpa sa Senado? Haharapin ba niya ang “perjury” sa pagbaligtad niyang ito?
Ikalawa, papayagan ba ng mga senador na basahin nito sa kabuuan ang affidavit na direktang umaakusa kay Pres. Duterte? At kung ‘executive session” o “open hearing” mang mangyari ito, paano sasagot ang kampo ni Duterte? Haharap din ba siya o abugado niya sa naturang Senate hearing?
Ikatlo, sino ang maghuhusga sa akusas-yon ni Lascañas kay Duterte? Ang Senado ba sa kapangyarihan nitong “in aid of legislation” o magsisilbi sila bilang “impeachment court”?
Idagdag pa natin diyan ang tanong ni Se-nate President Koko Pimentel na anong legislative reason ng Committee on Public Order and Security para sa mga pangyayari noong pang 1980’s at 1990’s kahit si Presidente ang tinutu-rong “killer”?
Ang suggestion nga ay magdemanda sa korte o Ombudsman para imbestigahan ito.
Kung susuriin, masyadong eksplosibo ang imbestigasyon na ito at sala sa lamig, sala sa init.
Kung pipigilang humarap sa Senado si Lascañas, para daw itong “second envelope” ni E-rap na kundi papayagan, babagsak daw ang gob-yernong Duterte.
Kung iimbestigahan naman at pakikinggan ang mga akusasyon, mistulang “impeachment court” naman ang Senado na wala namang “impeachment complaint” na galing sa Kamara.
Sa taumbayan, lahat tayo ay manonood sa mga akusasyon, kontra akusasyon, kampihan, upakan at mga giriang pulitika ng maraming personalidad sa loob at labas ng gobyerno. Ika nga, dalawang panig na naglalaban para daw sa ating kapakanan.
Ang una ay natikman natin sa nakaraang anim na taon at ang pangalawa ay halos 248 days pa lang sa pwesto pero napakaraming patayan ng mga drug personalities ang nangyayari.
Isahan ang labanan pero dahil posisyon ng Presidente ang nakataya rito, kaya hindi maiiwasang damay si VP Robredo dahil siya ang magbebenepisyo kung matanggal si Duterte.
Sa mga nagpapaligsahan, kwidaw kayo. Hindi na magpapabola ang sambayanang Pilipino.
0 Mga Komento